Posts

Showing posts from November, 2024

Paglilingkod at Pagkakaisa

Image
        Ang kabataan ay itinuturing na pag-asa ng bayan, ngunit sa aming simbahan, sila rin ay itinuturing na haligi ng pananampalataya. Bilang mga opisyales ng Unity Miracle Life Center, malaki ang aming ginagampanan upang gabayan ang mga kabataan tungo sa mas malalim na ugnayan sa Diyos at sa kanilang kapwa. Sa aming pamumuno, layunin naming magtanim ng mga binhi ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamalasakit sa bawat kabataang bahagi ng aming komunidad.        Ang mga kabataan sa aming simbahan ay puno ng sigla, talento, at potensyal. Sa kabila ng mga hamon na dala ng makabagong panahon, nananatili silang bukas sa pagtuturo at paggabay. Sa bawat gawain na aming isinasagawa—mga youth fellowship, Bible study, at outreach programs—aming natutunghayan ang kanilang determinasyon na lumago hindi lamang sa espiritwal na aspeto, kundi pati na rin sa kanilang personal na buhay.      Bilang mga opisyales, hindi madali ang aming t...

Pagsasadula ng "Walang Sugat"

Image
        Noong Oktubre 28, 2024, isang mahalagang araw ang tumatak sa aking buhay bilang mag-aaral. Kasama ang aking mga kaklase, aming isinadula ang klasikong sarsuwela ni Severino Reyes na "Walang Sugat"—isang obra na puno ng damdamin, kasaysayan, at kulturang Pilipino. Ang pagtatanghal na ito ay hindi lamang isang requirement para sa aming asignaturang Panitikan sa Pilipinas; ito rin ay naging pagkakataon upang maipakita ang aming talento at pagpapahalaga sa sining.       Ang pagganap ko bilang Julia, ang pangunahing babaeng karakter ng sarsuwela, ay isang hamon na tinanggap ko nang may buong puso. Si Julia ay isang simbolo ng dalisay na pag-ibig, sakripisyo, at tapang, kaya’t kinailangan kong bigyang-halaga ang bawat linya at emosyon niya sa entablado. Sa pag-ensayo, hindi naging madali ang pag-aaral ng kanyang mga diyalogo, awit, at kilos. Gayunpaman, sa tulong ng aking mga kaklase, unti-unti kong naunawaan at naipadama ang kanyang kuwento....

Ang Kwento ng Tagumpay sa Radio Drama

Image
        Noong Oktubre 29, 2024, isang napakaliwanag na bituin ang sumikat sa aming buhay—ang aming koponan. Sa araw na ito, sa kabila ng matitinding hamon, ipinamalas namin ang aming husay at talento sa Radio Drama na pinamagatang "Bituin sa Lupa". Taglay ang dedikasyon at pagmamahal sa sining, aming nalampasan ang mga mahuhusay na kalahok mula sa MinSU Calapan Campus at Bongabong Campus, at hinirang bilang kampeon.         Ang "Bituin sa Lupa" ay hindi lamang isang kwento. Isa itong salamin ng realidad—ang paghihirap, tagumpay, at liwanag na hatid ng pag-asa. Sa bawat eksenang aming isinadula, binigyang-buhay namin ang mga karakter na tila naging totoo sa bawat tagapakinig. Hindi naging madali ang proseso ng aming paghahanda. Ang bawat linya ng script ay binuo nang may pusong nagmamalasakit; ang bawat pagbigkas ay pinanday ng damdamin; at ang bawat sound effect ay sinigurong akma sa mensahe ng dula. Sa kabila ng pagod, hindi kami sumuko dahi...

Sa Dalampasigan

Image
 Maikling kwento ni Manilyn J. Ordoña         Sa isang tahimik na bayan malapit sa dagat, may isang dalampasigan na tinatawag ng mga tao bilang "Dalampasigan ng Alamat." Ayon sa kuwento, tuwing kabilugan ng buwan, may lumilitaw na kayamanan sa ilalim ng tubig na para lamang sa mga may malinis na puso. Marami na ang nagtangkang maghanap, ngunit lahat sila’y nabigo.           Si Lia, isang masayahing dalaga, ay madalas pumunta roon upang magpinta ng mga tanawin. Isang araw, habang nagpipinta siya ng paglubog ng araw, napansin niyang may batang lalaki sa tabi ng dagat.   Lia: "Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Mapanganib ‘yan!"   Bata: (nakangiti) "Hinihintay ko ang kayamanang sinasabi nila."   Lia: (natawa) "Huwag ka ngang magbiro! Wala namang kayamanan dito."   Bata: (seryoso) "Kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman."          Kinabukasan, bumalik si Lia upang mag...

Bukang-liwayway

Image
 Maikling kwento ni Manilyn J. Ordoña        Sa isang maliit na baryo sa paanan ng bundok, tuwing bukang-liwayway ay nagkakatipon-tipon ang mga taga-baryo upang magdasal at magpasalamat sa kanilang masaganang ani. Isa sa mga pinakamasipag na magsasaka ay si Andoy, na kilala sa kanyang pagiging matulungin at masayahin. Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, may lihim siyang dinadala—isang sakit na unti-unting kumikitil sa kanyang lakas.         Isang umaga, habang naglalakad si Andoy sa gitna ng palayan, nakita niya si Aling Pina, isang matandang manggagamot.   Aling Pina: "Andoy, parang mas matamlay ka ngayon. May problema ba?"   Andoy: (ngumingiti) "Wala po ito, Aling Pina. Siguro’y napagod lang ako kahapon sa pag-aani."   Aling Pina: (nakangiti ngunit may pag-aalala) "Kung may nararamdaman ka, huwag mong itago. Ang araw, kahit tila walang kapintasan, ay minsan natatakpan din ng ulap."      ...

Liwanag sa Paraiso

Image
 Maikling kwento ni Manilyn J. Ordoña Sa isang munting bayan ng Paraiso ay may isang dalagang nangangalang Tala. Bagamat simpleng babae, maraming pangarap si Tala para sa sarili at sa kaniyang pamilya, kahit ang kanilang buhay ay maralita. Hindi niya nawawalan ng pag-asa sa kabila ng lahat ng hirap, lalo na't ang kaniyang mga magulang, sina Inay at Itay, ay masikap at mapagmahal. Ang Inay niya ay palaging abala sa paglalaba, samantalang ang kaniyang Itay ay nagtatanim at nagsasaka sa bukid.  Isang araw, sa unang araw ng kanyang kolehiyo, nagmamadaling naghahanda si Tala. "Inay, nakita niyo ho ba ang sapatos ko?" tanong ni Tala. "Narito anak, pinunasan ko muna para magmukhang bago," sagot ni Inay.  Bagamat gusto ni Tala na maging responsable, hindi niya maikakaila ang saya sa pag-aalaga ng kaniyang ina. Kaya naman, nang makaalis na siya sa bahay, puno siya ng inspirasyon at pag-asa habang naglalakad papuntang eskwelahan. Sa daan, aksidente siyang nabangga ng isan...

Dehado

Image
 Tula ni Manilyn J. Ordoña Kasabay ng pagpatak ng ulan Ay sumabay ang bigat na di maibsan Na palagi kong pasan-pasan Paano ko ito malalampasan?  Gayong ako mismo ang dahilan Kung bakit ko ito nararanasan Kahit ayaw ko itong puntahan Ay napapadpad pa rin sa kawalan Sarili'y gusto ko na ring iwasan Takbuhan, pakawalan at iwanan Ngunit lahat nga pala sila’y nangiwan Sino ng aking sasakluluhan Talagang napakalupit ng mundo Sa isang babaeng katulad ko Madaya, mapanakit kaya ako'y dehado Palaging gagawing talo Nakakalungkot ang realidad ng buhay Ngunit kailangan kong maging matibay At maniwalang ang lahat ng ito ay may saysay Makakamit ko rin ang tagumpay

Salaming Basag

Image
 Tula ni Manilyn J. Ordoña Hindi ko mawari ang nararamdaman Lubha na akong nagugulumihan Sarili ay hindi ko maintindihan Mayroon pa ba itong patutunguhan? Babalik na naman ba ako sa simula? O aayusin ang lumipas na paksa? Sawang sawa na rin akong masalanta Ng mga bagyong hindi ko makita-kita Umiiyak na naman ako sa gabi Ganito rin ako dati eh Ilang ulit itatanong sa sarili Kung nararapat sa bagay na mabuti Heto basag na ang buong pagkatao Salamin na ilang beses kong binuo Na madaling binasag ng mga tao Durog na ako, ito ba ang gusto niyo? Pero hindi, hindi ako pwedeng sumuko Maraming beses na ang luha'y tumulo Panahon na para bumangon ako Para sa pamilya at sa sarili ko

Tahanan

Image
 Tula ni Manilyn J. Ordoña Mali sila, hindi siya ang ilaw ng tahanan. Hindi siya bombilya na kapag pundido na ay papalitan. Hindi siya ilaw na kailangan lang sa dilim— Bagkus siya ang bukang-liwayway at takip-silim. Hindi siya para lang sa gabi, Na para makita ang halaga ay kailangan pang sumindi. Hindi siya ang ingay na nakaririndi— Sa halip siya ang pagkalmang nakaiintindi. Mali sila, hindi siya ilaw ng tahanan. Hindi siya ang gaserang nagliliyab. Hindi siya ang dagitab— Dahil siya ang pinakaunang mong tagasuporta upang mga pangarap mo'y matupad. Siya ang isa sa mga halimbawa ng pag-ibig na walang kondisyon. Siya ang araw-araw na nakaaalala kahit walang okasyon. Siya ang hindi mang-iiwan sa kahit anumang sitwasyon— Siya ang noon at ngayon. Mali sila, Hindi siya ang ilaw ng tahanan— Dahil siya mismo ang tahanan.

Ang aming pamilya

Image
 Sanaysay ni Manilyn J. Ordoña         Ang aming pamilya ay ang aking unang paaralan at unang sandigan. Sa bawat araw, kasama ko ang aking mga magulang at kapatid na nagiging kaagapay ko sa lahat ng aspeto ng buhay—sa kasiyahan, sa kalungkutan, at sa mga hamon na hinaharap namin bilang isang pamilya. Kami ay may kanya-kanyang mga personalidad at pananaw, ngunit ang pagmamahalan at pag-unawa ang nagbibigkis sa amin.         Sa aming pamilya, natutunan kong magpatawad at magpasalamat sa bawat maliit na bagay. Kapag may problema, nagtutulungan kami at hindi namin iniiwan ang isa't isa. Ang aming mga magulang ay nagtuturo sa amin ng mga aral na mahalaga sa buhay, tulad ng pagiging matapat, masipag, at maalalahanin sa iba. Sa kanilang halimbawa, natututo kaming maging mas mabuting tao araw-araw.        Ang aming pamilya ang aking lakas at inspirasyon. Sa kabila ng mga pagsubok, alam kong nandiyan sila bilang suporta at gabay. S...

Para sa batang ako

Image
Tula ni Manilyn J. Ordoña Kung sakaling bigyan man ako ng pagkakataong makausap ang batang ako. Sasabihin ko sa kanyang, huwag siyang magmamadaling tumanda. Ang mundo ko ngayon ay hindi na katulad sa nakikita ng kanyang mata— Mailap dito ang pahinga. Sasabihin ko sa kanya na ang pinakamahalaga sa lahat ay pamilya. Sulitin ang oras habang magkakasama, Dahil ngayon, may mga pagkakataon na ikaw na lang mag-isa— Kakayanin mo kahit hindi mo kaya. Hihingi rin ako ng paumanhin kung nabigo ko man siya. Kung hindi ko man naibigay ang buhay na gusto niya. Kung hindi ko man natupad ang mga pangarap na isinulat niya sa likod ng kwaderno— At kung ngayon, pagod na ako. Yayakapin ko siya nang mahigpit. Ibubulong nang paulit-ulit. Kung puwede lang sumaglit— Itutulak pabalik. Para sa batang ako, Diyan ka na lang— Malungkot dito.

Pagsapit ng Umaga

Image
 Isang dagli ni Manilyn J. Ordoña        Magkasama kaming naglakad sa ilalim ng mga ilaw ng kalye, mahigpit ang hawak niya sa aking kamay habang ang paligid ay tahimik na sumasaksi sa bawat hakbang. Sa bawat hakbang, dama ko ang init ng kanyang kamay, at ang puso ko’y lumalakas ang kabog. Mula sa unang pagkikita hanggang sa mga gabing ganito, alam kong siya na ang para sa akin.       Nang malapit na kami sa kanyang pintuan, huminto siya, ngumiti, at sinabi, “Salamat sa lahat ng ito. Ikaw ang kailangan ko.”      Tumango ako, ngiting tagumpay, hanggang bigla siyang tumalikod at may niyakap na ibang tao sa pintuan. Tumingin siya sa akin, at sa isang iglap, napagtanto ko—hindi pala ako ang nagtataglay ng kanyang puso.

Ang Sulat

Image
Isang dagli ni Manilyn J. Ordoña        Pinid ang mga pinto at bintana, ngunit ramdam ni Heneral Emilio ang bigat ng mga kaganapan sa labas. Hawak niya ang isang sulat mula sa isang lihim na tagapagbalita. Nakasaad dito ang lugar at oras kung saan magtatagpo ang mga Espanyol at ang pinuno ng kanilang puwersa para sa isang mahalagang kasunduan. Isang pagkakataon ito upang agawin ang tagumpay—isang sabotahe ang kailangang isagawa upang mailigtas ang bayan mula sa kuko ng mga mananakop.       Mabilis niyang tinipon ang ilang piling tauhan at naghanda para sa pag-atake. Wala nang dapat aksayahing oras, kaya’t agad silang tumungo sa lugar na binanggit sa sulat. Sa pagdating nila, tahimik ang paligid, ngunit dama ang tensyon sa hangin. Isang hakbang na lang, at mailalatag na nila ang patibong.       Ngunit sa kanilang pagsugod, biglang nag-apoy ang paligid—mga kanyon at baril na bumuga ng mga bala sa lahat ng dako. Napagtanto nila, huli na ang...