Pagsapit ng Umaga

 Isang dagli ni Manilyn J. Ordoña

       Magkasama kaming naglakad sa ilalim ng mga ilaw ng kalye, mahigpit ang hawak niya sa aking kamay habang ang paligid ay tahimik na sumasaksi sa bawat hakbang. Sa bawat hakbang, dama ko ang init ng kanyang kamay, at ang puso ko’y lumalakas ang kabog. Mula sa unang pagkikita hanggang sa mga gabing ganito, alam kong siya na ang para sa akin.

      Nang malapit na kami sa kanyang pintuan, huminto siya, ngumiti, at sinabi, “Salamat sa lahat ng ito. Ikaw ang kailangan ko.”

     Tumango ako, ngiting tagumpay, hanggang bigla siyang tumalikod at may niyakap na ibang tao sa pintuan. Tumingin siya sa akin, at sa isang iglap, napagtanto ko—hindi pala ako ang nagtataglay ng kanyang puso.


Comments

Popular posts from this blog

Ang Ating Pambansang Identidad

Malayo pa, pero Malayo na

Kontemporaryong Awitin sa Wikang Filipino