Salaming Basag
Tula ni Manilyn J. Ordoña
Hindi ko mawari ang nararamdaman
Lubha na akong nagugulumihan
Sarili ay hindi ko maintindihan
Mayroon pa ba itong patutunguhan?
Babalik na naman ba ako sa simula?
O aayusin ang lumipas na paksa?
Sawang sawa na rin akong masalanta
Ng mga bagyong hindi ko makita-kita
Umiiyak na naman ako sa gabi
Ganito rin ako dati eh
Ilang ulit itatanong sa sarili
Kung nararapat sa bagay na mabuti
Heto basag na ang buong pagkatao
Salamin na ilang beses kong binuo
Na madaling binasag ng mga tao
Durog na ako, ito ba ang gusto niyo?
Pero hindi, hindi ako pwedeng sumuko
Maraming beses na ang luha'y tumulo
Panahon na para bumangon ako
Para sa pamilya at sa sarili ko

Comments
Post a Comment