Dehado

 Tula ni Manilyn J. Ordoña


Kasabay ng pagpatak ng ulan

Ay sumabay ang bigat na di maibsan

Na palagi kong pasan-pasan

Paano ko ito malalampasan? 


Gayong ako mismo ang dahilan

Kung bakit ko ito nararanasan

Kahit ayaw ko itong puntahan

Ay napapadpad pa rin sa kawalan


Sarili'y gusto ko na ring iwasan

Takbuhan, pakawalan at iwanan

Ngunit lahat nga pala sila’y nangiwan

Sino ng aking sasakluluhan


Talagang napakalupit ng mundo

Sa isang babaeng katulad ko

Madaya, mapanakit kaya ako'y dehado

Palaging gagawing talo


Nakakalungkot ang realidad ng buhay

Ngunit kailangan kong maging matibay

At maniwalang ang lahat ng ito ay may saysay

Makakamit ko rin ang tagumpay


Comments

Popular posts from this blog

Ang Ating Pambansang Identidad

Malayo pa, pero Malayo na

Kontemporaryong Awitin sa Wikang Filipino