Posts

Showing posts from October, 2024

"Bagyong Kristine naminsala, Bicol Region Nalubog sa Baha"

Balita ni Manilyn J. Ordoña        Sa pinakahuling ulat mula sa Pambansang Konseho para sa Paghahanda at Paghahanda sa Sakuna (NDRRMC) , naiulat na nagdulot ng malawakang pinsala ang Bagyong Kristine, na apektado ang Bicol Region . Batay sa Pambansang Konseho para sa Paghahanda at Paghahanda sa Sakuna (NDRRMC) , halos 400,000 katao ang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Ang Bicol Region ang pinakamatinding tinamaan ng Bagyong Kristine, na nagdulot ng malawakang pinsala at paglikas. Ang ulat ay inilabas noong Miyerkules, ika-24 ng Oktubre, 2024, kung saan ipinakita ang malaking pinsala ng Bagyong Kristine sa Bicol Region .         Ang matinding epekto ng Bagyong Kristine ay lalong naramdaman sa Bicol Region , kung saan apektado ang kabuuang 382,302 katao o 77,910 pamilya. Dahil sa malalakas na pag-ulan, hangin, at baha na dala ng Bagyong Kristine, nagresulta ito sa malawakang pinsala at paglikas sa Bicol Region. Aktibo ang Pambansang Konseho pa...

Hindi magpapatinag

 Sanaysay ni Manilyn J. Ordoña            Ang College of Teacher Education ay nagdaos ng isang makabuluhang Team Building at Welcome Party sa Barber's Resort na nagsilbing tulay upang mas patibayin ang samahan ng mga guro at mag-aaral. Sa kabila ng masamang panahon, na may kasamang ulan at malakas na hangin, hindi natinag ang mga kalahok na ipagpatuloy ang masayang selebrasyon. Ang diwa ng pagkakaisa at saya ang nagbigay ng init sa ginawang aktibidad.            Nagsimula ang araw sa isang simpleng pagbati mula sa mga organizer. Ipinaliwanag nila ang kahalagahan ng pagkakaisa, na siyang pangunahing layunin ng nasabing team building. Pagkatapos nito, sinimulan na ang mga palaro na may layuning buuin ang pagtutulungan at pagkakaintindihan ng bawat isa. Matapos ang mga laro, oras na upang magrelaks at mag-enjoy sa pool. Hindi naging hadlang ang ulan sa kasiyahan—sa katunayan, lalo pa nitong binuhay ang saya ng mga nagsipag-sw...

Malayo pa, pero Malayo na

Talumpati ni Manilyn J. Ordoña                Isang mapagpalang araw kapwa ko kamag-aral, Isang mapagpalang araw po sa ating mga panauhin, at Isang mapagpalang araw sa ating guro. Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat!                Ako si Manilyn J. Ordoña at narito sa inyong harapan upang ibahagi ang paksa ng isang talumpati na “Malayo pa, pero Malayo na”. Isang simpleng pahayag na puno ng inspirasyon, lalo na para sa ating mga kabataan na patuloy na nangangarap at nagsusumikap para sa ating magandang kinabukasan. Ano nga ba ang mga pangarap na tila napakalayo noon ngunit ngayon ay abot kamay na? Paano natin masasabi na malayo na ang ating narating sa kabila ng mga hamon at pagsubok na ating hinarap? At Ano ang mga pangunahing hadlang na kinaharap natin sa pag-abot ng ating mga pangarap, at paano natin ito nalampasan?                Noong mga nakaraang taon hi...

Ang Ating Pambansang Identidad

Sanaysay ni Manilyn J. Ordoña        Ang Wikang Filipino ay hindi lamang isang kasangkapan para sa pakikipagtalastasan, ito rin ay salamin ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa bawat salita, sa bawat parirala, at sa bawat diwa ng wika, nananalaytay ang mga aral at karanasang naghubog sa ating bansa mula sa pagiging kolonya hanggang sa pagkakaroon ng kalayaan.       Sa panahon ng kolonyalismo, ipinilit sa atin ang mga wikang dayuhan – Kastila, Ingles, at iba pa. Subalit sa kabila ng mga impluwensyang ito, ang ating mga ninuno ay patuloy na gumamit ng kanilang mga katutubong wika. Sa gitna ng mga pagsakop, ang wika ang naging sandata ng pagtutol at pagpapahayag ng kasarinlan.       Nang itatag ang Wikang Pambansa sa bisa ng Konstitusyon ng 1935 at kalaunan ay tinawag na Filipino, ito ay naging simbolo ng pagkakaisa. Bagama't maraming wika sa ating bansa, ang Filipino ay nagsilbing tulay upang magkaintindi...

Sa Lilim ng Nara

Maiklling kwento ni Manilyn J. Ordoña        Sa ilalim ng matayog na puno ng Nara, madalas magtago si Mica, isang dalagang umiibig sa kalikasan. Araw-araw niyang dinadala ang kanyang kwaderno at lapis, iginuguhit ang kagandahan ng paligid—ang berdeng damo, ang mga bulaklak na sumasayaw sa ihip ng hangin, at ang mga ibong kumakanta ng awit ng pag-asa.      Dumating si Dylan, isang binatang naglalakbay upang alamin ang halaga ng bawat nilalang sa gubat. Sa unang tingin pa lang, naakit siya hindi lamang sa kalikasan kundi sa tahimik na katauhan ni Mica. Dahan-dahan siyang lumapit at sabay silang naglakbay sa gubat, pinag-uusapan ang kahalagahan ng mga punong nagbibigay ng hangin at ang mga ilog na nagbibigay ng buhay.     Habang lumilipas ang mga araw, tumindi ang damdamin nila para sa isa’t isa—hindi lamang bilang mga magkasintahan kundi bilang mga tagapagtaguyod ng kalikasan. Nangarap silang magtanim ng libu-libong puno, upang ang kanilang pag...

Iba ka sa kanila

 ni Manilyn J. Ordoña 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘪𝘯𝘢𝘢𝘴𝘢𝘩𝘢𝘯.  𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰,  𝘯𝘢 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘭𝘪 𝘬𝘰.  𝘛𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨, 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵-𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘳𝘰𝘨-𝘥𝘶𝘳𝘰𝘨 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰. 𝘕𝘢𝘵𝘢𝘨𝘱𝘶𝘢𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘯𝘢𝘱,  𝘴𝘢 𝘪𝘥𝘦𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘪𝘵𝘶𝘪𝘯 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘬𝘶𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨. 𝘐𝘬𝘢𝘸 ‘𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘥𝘢,  𝘪𝘬𝘢𝘸 ‘𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘯𝘢.  𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘰 𝘯𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰,  𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢...

Ang huling pagtatanghal ni Mang Andoy

Isang dagli ni Manilyn J. Ordoña         𝑆𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑝𝑟𝑜𝑏𝑖𝑛𝑠𝑦𝑎, 𝑚𝑎𝑦 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑑𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑢𝑠𝑖𝑛𝑎 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎𝑦-𝑎𝑟𝑖 𝑛𝑖 𝑀𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑑𝑜𝑦. 𝑆𝑎 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑢𝑚𝑎𝑔𝑎, 𝑛𝑎𝑔𝑏𝑎𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠 𝑠𝑖 𝑀𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑑𝑜𝑦 𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑑𝑎ℎ𝑎𝑛, ℎ𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔-ℎ𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑚𝑎𝑚𝑖𝑚𝑖𝑙𝑖.        𝐼𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤, ℎ𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑙𝑖𝑙𝑖𝑛𝑖𝑠 𝑠𝑖 𝑀𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑑𝑜𝑦 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑑𝑎ℎ𝑎𝑛, 𝑏𝑖𝑔𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑢𝑚𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑖ℎ𝑖𝑚 𝑛𝑎 𝑡𝑎𝑔𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎. “𝑀𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑑𝑜𝑦!” 𝑠𝑖𝑔𝑎𝑤 𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑡𝑎. “𝐺𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑘𝑜 𝑠𝑎𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑚𝑖𝑙𝑖 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑤𝑎𝑙𝑖, 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑏𝑜𝑟𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑑𝑎ℎ𝑎𝑛!”        𝑁𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡𝑖 𝑠𝑖 𝑀𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑑𝑜𝑦 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑔𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎....

GUMAAN LAHAT

ni Manilyn J. Ordoña Sa isang iglap gumaan ang mga bagahe  Hindi ipagkakailang pinunan mo ang parte  Sa'yo ko mas lalong naranasan ang salitang "komportable"  Ang puso ko ngayo'y naging kampante Ikaw yung naging kalinga ko Mula sa mga isipin na dulot ng mundo  Pinakalma mo ang isipan kong gulong gulo  At ang salitang "sana" ay naging sigurado Mas pinalakas at pinatatag mo ang loob ko Lubos akong nagtiwala sa aking sarili dahil sa'yo Inintindi mo at inunawa sa panahong litong lito At kinabisado ang buo kong pagkatao Kahit sa mga pinta, tula, liham at larawan  Ikaw ang temang hinding hindi ko pagsasawaan  Bawat bahagi mo'y magmimistulang panitikan Naniniwala akong balang araw, parehas na tayo ng uuwian

Wikang Walang Hanggan

ni Manilyn J. Ordoña Pagaspas ng hangi'y dumapo sa balat, Tila ba'y nagbabadya na naman ng isang hudyat, Mga mata'y ating idilat, At sabay-sabay na pumadyak na animo'y kidlat. Sa bawat titik ng wikang mahalaga,   Kaluluwa'y lumalaya sa bawat kataga,   Sa salitang may tibay, may lakas at ganda,   Pusong nakakulong ay nagiging malaya. Wika ng bayan— sagisag ng pag-asa,   Sa bawat hibik ay may himig ng ligaya,   Naglalakbay ang isip at diwa sa bawat salita,   Damdaming nakagapos, ngayo'y malaya na. Wikang sinilang sa layong dakila,   Pinanday ng panahon, sa puso’y tinala,   Tinig ng masa— sa hirap at ginhawa,   Sa wikang mapagpalaya, lahat ay pantay-pantay na.

Katutubong Mangyan

ni Manilyn J. Ordoña Tao rin silang may nararamdaman Kaya’t marapat lamang na sila’y ating pahalagahan  Huwag natin silang husgahan sa kanilang katayuan  Bagkus tulungan kahit sa simpleng pamamaraan  Sila ay may karapatan din sa lipunang kinabibilangan  Magkaroon ng maayos na Edukasyon, trabaho at tirahan  Dahil marami rin silang ambisyon na nais maisakatuparan Upang makaahon sa kahirapang kinalulugmukan Napagkaitan man sila ng materyal na yaman Ngunit bakas naman sa ngiti nila ang katatagan Bagama’t marami na silang hindi magandang karanasan Pero heto sila patuloy na lumalaban Kaya bilang kabataan sa modernong panahon  Nawa’y magsilbi natin silang inspirasyon At patnugot ng ating dedikasyon Upang mabago ang tingin sa kanila ng lahat at ng mga sunod pang henerasyon

Kontemporaryong Awitin sa Wikang Filipino

Abstrak       Sa makabagong mundo halos lahat ng mga kabataan ngayon ay nakikinig ng musika, maaring sa bahay, sa paaralan, sa mga mall, o kaya'y sa kalsada. Ang iba ay nakikinig sa musika para sa kanilang libangan lamang, ang iba ay nakikinig ng musika upang gamitin panggamot sa mga sakit na namuo sa puso at isipan at ang iba naman ay ginagamit ito sa paraan ng pag-aaral. Ito rin ay kadalasang ginagamit sa mga okasyon kung saan ipinagdiriwang ang isang bagay. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang mga Kontemporaryong Awitin sa Wikang Filipino at ang epekto nito sa pananaw, emosyon, pag-uugali, at sa araw-araw na pagkilos ng lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo na tinatahak ang kursong Edukasyong Pangguro sa Mataas na Pamantasan ng Unibersidad ng Mindoro.       Ginamit ng pag-aaral na ito ay kwalitatibong metodo ng Pananaliksik. Isinagawa ng mga mananaliksik ang pakikipanayam gamit ang Focus Group Discussion at Semi-Structured na uri ng panayam. ...