Sa Lilim ng Nara
Maiklling kwento ni Manilyn J. Ordoña
Sa ilalim ng matayog na puno ng Nara, madalas magtago si Mica, isang dalagang umiibig sa kalikasan. Araw-araw niyang dinadala ang kanyang kwaderno at lapis, iginuguhit ang kagandahan ng paligid—ang berdeng damo, ang mga bulaklak na sumasayaw sa ihip ng hangin, at ang mga ibong kumakanta ng awit ng pag-asa.
Dumating si Dylan, isang binatang naglalakbay upang alamin ang halaga ng bawat nilalang sa gubat. Sa unang tingin pa lang, naakit siya hindi lamang sa kalikasan kundi sa tahimik na katauhan ni Mica. Dahan-dahan siyang lumapit at sabay silang naglakbay sa gubat, pinag-uusapan ang kahalagahan ng mga punong nagbibigay ng hangin at ang mga ilog na nagbibigay ng buhay.
Habang lumilipas ang mga araw, tumindi ang damdamin nila para sa isa’t isa—hindi lamang bilang mga magkasintahan kundi bilang mga tagapagtaguyod ng kalikasan. Nangarap silang magtanim ng libu-libong puno, upang ang kanilang pagmamahalan ay magpatuloy sa bawat silakbo ng hangin at bawat halik ng araw.
Sa bawat puno nilang itinanim, nariyan ang pangako ng walang hanggang pag-ibig, hindi lamang para sa isa't isa kundi para sa mundong nagbibigay ng lahat ng kailangan nila.
Comments
Post a Comment