GUMAAN LAHAT
ni Manilyn J. Ordoña
Sa isang iglap gumaan ang mga bagahe
Hindi ipagkakailang pinunan mo ang parte
Sa'yo ko mas lalong naranasan ang salitang "komportable"
Ang puso ko ngayo'y naging kampante
Ikaw yung naging kalinga ko
Mula sa mga isipin na dulot ng mundo
Pinakalma mo ang isipan kong gulong gulo
At ang salitang "sana" ay naging sigurado
Mas pinalakas at pinatatag mo ang loob ko
Lubos akong nagtiwala sa aking sarili dahil sa'yo
Inintindi mo at inunawa sa panahong litong lito
At kinabisado ang buo kong pagkatao
Kahit sa mga pinta, tula, liham at larawan
Ikaw ang temang hinding hindi ko pagsasawaan
Bawat bahagi mo'y magmimistulang panitikan Naniniwala akong balang araw, parehas na tayo ng uuwian
Comments
Post a Comment