Katutubong Mangyan

ni Manilyn J. Ordoña


Tao rin silang may nararamdaman

Kaya’t marapat lamang na sila’y ating pahalagahan 

Huwag natin silang husgahan sa kanilang katayuan 

Bagkus tulungan kahit sa simpleng pamamaraan 


Sila ay may karapatan din sa lipunang kinabibilangan 

Magkaroon ng maayos na Edukasyon, trabaho at tirahan 

Dahil marami rin silang ambisyon na nais maisakatuparan

Upang makaahon sa kahirapang kinalulugmukan


Napagkaitan man sila ng materyal na yaman

Ngunit bakas naman sa ngiti nila ang katatagan

Bagama’t marami na silang hindi magandang karanasan

Pero heto sila patuloy na lumalaban


Kaya bilang kabataan sa modernong panahon 

Nawa’y magsilbi natin silang inspirasyon

At patnugot ng ating dedikasyon

Upang mabago ang tingin sa kanila ng lahat at ng mga sunod pang henerasyon


Comments

Popular posts from this blog

Ang Ating Pambansang Identidad

Malayo pa, pero Malayo na

Kontemporaryong Awitin sa Wikang Filipino