Posts

Showing posts from December, 2024

Pagtatapos ng taon

Image
  Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagtatapos ng taon. Isa-isa ko nang binibitawan ang mga hinanakit na hindi ko napakawalan. Unti-unti ko nang nililimas ang galit na namahay sa’king kalooban. Pati lungkot, pagsisisi, at panghihinayang—marahan ko nang iniiwan. Gusto kong salubungin ang susunod na yugto nang may malinis na puso, malawak, malaki ang espasyo para papasukin ang mga bagay lang na positibo. Ang pag-ibig, pag-asa, at kabutihan sa ibang tao. Gusto kong magsimulang muli nang walang pasan na bagahe mula sa taon na ito. Pagkakaibigan na hindi totoo, relasyong hindi sigurado, mga nakasanayan na lumalason sa moral ko’t pagkatao. Gusto kong umusad na. Gusto ko nang gamitin ang mga natutunan ko sa mga nakaraang buwan, lumago, at makilala ang pinahusay na bersyon ko. Gusto ko nang iwan ang taon na ito, dahil ramdam ko— habang papalapit ang bagong taon, papalapit na rin ako sa tuluyang pag-ahon.

Ulan

Image
  Taksil din ang ulan. Dati, tingin ko’y kakampi ko ito kapag may nakatakdang pagsusulit sa klase—sana’y umulan. Kung ubod ng init sa maghapon, at ramdam sa mababang bubong namin ang alinsangan—sana’y umulan. Para may dumating na libreng suplay at makatikim ng mami o miswa—sana’y umulan. Pero taksil ang ulan. Walang awa nitong nilubog ang mga libro naming magkakaklase. Nilunod ang mga pananim sa bukid at mga halaman sa bakanteng lote. Pahirapang bumiyahe, hindi makaabante—naging siklo na lamang ang bagyo, ang baha, ang pamumudmod ng pagkaing walang sustansya. Taksil ang nakaupo. Namudmod ng pangako, pero walang nagbago. Kaya’t hindi ko na kinahuhumalingan ang ulan. Ang bawat patak nito’y parusa sa masa. Sa mga umaasa sa kanilang paninda, sa mga nakikipagsapalaran hawak ang manibela, sa mga manggagawa, sa mga isang kahig isang tuka.  Kaya’t sana’y tumila na ang ulan, sapagkat hindi lahat, may kumportableng buhay at masisilungan. Marami sa’tin, nakikipagsapalaran lamang sa lansa...

Mas lumagong bersyon

Image
  Hindi pa pero hindi ibig sabihin hindi na. Hindi sayang ang taon na ito, Dahil lang sa mga pagkabigo— Panalo pa rin namang maituturing ang hindi pagsuko. Ipagmalaki mo pa rin ang iyong sarili, Dahil kahit sobrang hirap na, pinili mo pa ring manatili, Para sa mga pangarap at mga taong naniniwala sa'yo— Inilalaban mo pa rin hanggang dulo. Hindi sayang ang taon na ito, Dahil marami ka ring tahimik na labang naipanalo. Malaki o maliit man ito— Ang mahalaga, nakaya mo. Sa taon na ito, Natagpuan ko ang malungkot, durog at pagod na bersyon ng aking sarili— Pero malakas, lumago at natuto.

Panatag na isip at puso

Image
  Ngayon napagtanto ko na, Hindi pala nakalagay sa makukulay na pambalot ang pinakamagandang regalo, At hindi makikita sa laki ang halaga nito—  Kundi sa kung ano ito para sa'yo. Ang regalo ng buhay. Ang maramdaman ang iba’t ibang emosyon kahit minsan hindi maunawaan kung ano ang saysay. Ang regalo ng bawat umagang nabigyan ulit ng pagkakataong makita ang mundo— Ang pagkakaroon ng pamilyang buo. Madalas, ang totoong regalo pala ay walang makulay na pambalot. Sapagkat palagi itong nakabukas, ang bukas. Marami ang dapat ipagpasalamat— Kahit hindi natin alam kung ano pa ang matatangap. Pero, Ngayong Pasko, Sapat nang regalo— Ang panatag na isip at puso.

Paskong darating

Image
  Kung tatanungin ako kung paano ko ipagdiriwang ang Pasko. Ang maisasagot ko lang, sa paraang payak. Walang masyadong ganap— Walang ingay, walang hinahanap. Mauunawaan ko kahit walang makaalalang bumati mula sa mga kaibigan kong hindi ko na madalas makausap. Ayos lang kahit wala mang regalong matanggap. Hindi na bale kung sa hapag ay walang handang masarap— Hindi na ako mapanghangad sapagkat sa taon na ito, dama ko ang hirap. Ang mahalaga, nairaos ko’t nandito pa ako. Kinaya ko ang mga pagsubok sa taon na ito, para sa mga pangarap ko. Sapat na sa aking kasama ko sila— Ang mga tao na sa akin ay sumusuporta at naniniwala mula umpisa. Nais ko na lang na yakapin ang Pasko na puno ng pasasalamat. Wala nang panunumbat sa mga sugat. May pagpapatawad at pagtanggap— May pagpaparaya. Ipagdiriwang ko ang Pasko sa paraang payak. Tahimik lang, walang masyadong ganap— Walang hinahanap.

Kultura

Image
 

4 na paraan

Image
 

5 hakbang

Image
 

Inang Kalikasan

Image
 

Destinasyon

Image
 

Inductive tower

Image
 

Wika at Kultura

Image
 

Pagsusuri ng Kwento ni Mabuti

Image
 

5w's chart

Image
 

Epekto ng Social Media sa mga Kabataan

Image
 

Gulayan ng Pag-asa: Pagtatanim Tungo sa Masaganang Kinabukasan

Image
     Sa bawat butil ng binhi ay nakabaon ang pag-asa, at sa bawat punla ay naroon ang pangarap para sa mas masaganang kinabukasan. Sa pangunguna naming mga Sangguniang Kabataan (SK), isinagawa namin ang isang makabuluhang proyekto: ang pagtatanim sa aming hardin upang makapagtayo ng isang gulayang puno ng bunga. Ang proyektong ito ay hindi lamang layunin ng pagpapaganda ng aming komunidad kundi isang hakbang patungo sa pagpapalaganap ng malasakit sa kalikasan at kalusugan.      Sinimulan namin ang proyekto sa sama-samang pagkilos. Ang bawat miyembro ay nagdala ng mga kagamitan at binhi, mula sa sitaw, talong, kamatis, hanggang sa sili at kalabasa. Ang hardin, na dati’y bakanteng lupa lamang, ay naging sentro ng kasiyahan at pagkakaisa. Sa bawat hukay at paglalagay ng punla, naramdaman namin ang diwa ng pagtutulungan at ang pananabik na makita ang bunga ng aming pinaghirapan.     Hindi madali ang proseso. Kinailangan naming maglaan ng ora...

Huling Demonstrasyon

Image
       Noong Nobyembre 20, 2024, isang mahalagang kabanata ng aking pag-aaral ang naisara sa pamamagitan ng aking huling demonstrasyon sa asignaturang Facilitating Learner-Centered Teaching. Sa araw na ito, dinala ko ang lahat ng aking kaalaman, kasanayan, at dedikasyon upang maipakita ang aking kakayahan bilang isang guro. Bagamat puno ng kaba, mas nanaig ang pananabik na maipamalas ang aking natutunan sa loob ng semestre.       Habang pinaplantsa ang huling detalye ng aking lesson plan, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad. Alam kong ang araw na ito ay hindi lamang tungkol sa pagsasagawa ng isang aralin, kundi pagsukat din ng aking kahandaan bilang isang guro. Ngunit sa kabila ng takot, pinaalalahanan ko ang sarili ko na ang bawat pagod, puyat, at paghahanda ay para sa tagumpay ng araw na ito.        Pagsapit ng oras ng demonstrasyon, binuksan ko ang klase sa isang engaging activity na agad nagbigay sigla sa mga mag-aa...

Tagumpay sa Proposal Defense

Image
           Noong Disyembre 4, 2024, isang mahalagang araw ang nagmarka sa aming paglalakbay bilang mga mananaliksik. Ito ang araw ng aming proposal defense, isang pagkakataon upang ipakita ang bunga ng aming pagsisikap at pag-aaral sa harap ng panel ng mga eksperto. Sa kabila ng kaba at pressure, ang araw na ito ay naging patunay ng aming determinasyon at kahandaan sa hamon ng pananaliksik.       Maaga pa lamang ay ramdam na ang tensyon sa aming grupo. Pinag-usapan namin ang huling mga detalye ng aming presentasyon at pinilit na magbigay ng lakas ng loob sa isa’t isa. Habang naghihintay na kami’y tawagin, tila mas bumibigat ang kaba, ngunit nanatili kaming positibo—hawak ang paniniwalang handa kami dahil sa buwan-buwang paghahanda.      Sa harap ng panel, inilahad namin ang aming pananaliksik. Sa bawat slide ng aming presentasyon, sinikap naming maging malinaw at maayos ang pagpapaliwanag ng aming layunin, suliranin, ...

"The Unstoppable"

Image
    Noong Linggo, Disyembre 15, 2024, muling ipinamalas ng Unity Miracle Life Center ang tibay ng pananampalataya at pagkakaisa sa pagdiriwang ng ika-46 nitong anibersaryo na may temang "The Unstoppable". Sa gitna ng maraming hamon, nanatiling matatag at hindi mapipigilan ang paglilingkod ng simbahan, patuloy na nagiging liwanag at inspirasyon sa komunidad.      Ang araw na iyon ay nagsimula sa masiglang pagtitipon ng mga miyembro mula sa iba’t ibang lugar, dala ang mga ngiti, pananabik, at pasasalamat. Ang tema ng selebrasyon ay sumasalamin sa kasaysayan ng simbahan—mula sa mapagpakumbabang simula nito hanggang sa pagiging isang matatag na haligi ng pananampalataya. Sa sermon na ibinahagi ng lider ng simbahan, pinuri ang kabutihan ng Diyos na naging gabay at lakas sa loob ng apatnapu’t anim na taon. Binigyang-diin ang pagiging *unstoppable* ng simbahan sa kabila ng mga pagsubok na dala ng panahon.     Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng pag...

Pagkakaisa at Kasiyahan: Kabataan Assembly at Christmas Party 2024

Image
  Noong Disyembre 14, 2024, isang makulay at makabuluhang araw ang naganap sa aming barangay. Sa pangunguna naming mga Sangguniang Kabataan (SK), isinagawa ang Kabataan Assembly kasabay ng Christmas Party para sa aming mga kabataan. Ang araw na ito ay hindi lamang punong-puno ng kasiyahan, kundi nagbigay din ng pagkakataon upang magkaisa at magtulungan para sa ikabubuti ng aming komunidad.     Sa umaga, sinimulan namin ang programa sa pamamagitan ng Kabataan Assembly. Ito ay naging pagkakataon upang magbahagi ng mga plano at proyekto para sa darating na taon. Ibinahagi namin ang mga nagawa ng SK, tulad ng mga paligsahan, seminar, at outreach programs na naglalayong paunlarin ang kabataan sa iba’t ibang aspeto. Nakinig din kami sa mga suhestiyon ng aming mga kapwa kabataan—isang patunay na ang bawat boses ay mahalaga at dapat pakinggan.       Pagsapit ng hapon, nagsimula ang Christmas Party. Ramdam ang kasiyahan sa bawat sulok—may mga palaro, kanta...

Paglalakbay ng Tunog sa Morong, Rizal

Image
    Noong Nobyembre 26-29, 2024, isang di malilimutang yugto ang nasaksihan sa aming buhay bilang mga kabataang nagmamahal sa sining. Sumabak kami sa isang prestihiyosong paligsahan ng Radio Drama sa Morong, Rizal, tangan ang pangarap na maipamalas ang aming talento at maipaglaban ang pangalan ng aming grupo. Sa likod ng bawat salitang binigkas at damdaming isinabuhay ay ang mahabang proseso ng paghahanda—isang kwento ng sakripisyo, dedikasyon, at pagkakaisa.         Ang piyesa naming dinala ay may pamagat na “Dayuhan Bang Maituturing?”—isang makabagbag-damdaming kuwento tungkol sa pakikibaka ng mga tao sa pagpapakilala ng kanilang pagkatao sa kabila ng diskriminasyon at kawalang-katarungan. Sa bawat linya ng aming piyesa, nais naming iparating ang isang mahalagang mensahe: na ang bawat tao, anuman ang kanilang pinagmulan, ay may karapatang tanggapin at igalang sa lipunan. Alam naming mabigat ang aming layunin, ngunit ito rin ang nagsilbing inspirasyon...

Para sa Iyong Kaarawan, Ina

Image
Noong unang araw ng Disyembre, araw ng pagdiriwang,   Araw na ikaw, Ina, sa mundo’y dumating bilang liwanag.   Isang gabing tahimik, isang umagang masaya,   Ikaw ang handog ng langit, biyaya sa pamilya.   Sa bawat taon na lumilipas, damang-dama,   Ang pag-ibig mong walang kupas, wagas at dakila.   Ang iyong ngiti’y parang sinag ng araw,   Sa gitna ng unos, sa amin ay gabay.   Ngayong kaarawan mo, Ina, nais naming ipadama,   Ang pasasalamat naming labis sa lahat ng iyong gawa.   Mula sa yakap mong mahigpit tuwing kami’y may lungkot,   Hanggang sa sakripisyong hindi masukat ang saklaw at lawak.   Sa iyo, ang araw na ito’y alay,   Puno ng pagmamahal, dasal, at papuri sa Maykapal.   Na ikaw ay bigyan pa ng mahabang buhay,   Kaligayahan at kapayapaan sa iyong taglay.   Maligayang kaarawan, mahal naming Ina,   Ang puso namin ...

Haiku, Tanaga at Tanka

 Haiku "Ligtas na Kanlungan" Halika, sinta,  Sa piling koy ligtas ka,  Dito ay payapa Tanaga "Ilaw ng Kadiliman" Tala sa kalangitan,  Anghel sa kalupaan  Ikaw ay paraluman  Pinawi ang karimlan Tanka "Pagmamahal ng Tahanan " Aming tahanan  Nagsisilbing sandigan  Sa kasawian,  Laging malalapitan Puno ng pagmamahal

Venn diagram

Image
 

Fishbone

Image