Panatag na isip at puso

 


Ngayon napagtanto ko na,

Hindi pala nakalagay sa makukulay na pambalot ang pinakamagandang regalo,

At hindi makikita sa laki ang halaga nito— 

Kundi sa kung ano ito para sa'yo.


Ang regalo ng buhay.

Ang maramdaman ang iba’t ibang emosyon kahit minsan hindi maunawaan kung ano ang saysay.

Ang regalo ng bawat umagang nabigyan ulit ng pagkakataong makita ang mundo—

Ang pagkakaroon ng pamilyang buo.


Madalas, ang totoong regalo pala ay walang makulay na pambalot.

Sapagkat palagi itong nakabukas, ang bukas.

Marami ang dapat ipagpasalamat—

Kahit hindi natin alam kung ano pa ang matatangap.


Pero,

Ngayong Pasko,

Sapat nang regalo—

Ang panatag na isip at puso.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Ating Pambansang Identidad

Malayo pa, pero Malayo na

Kontemporaryong Awitin sa Wikang Filipino