Mas lumagong bersyon

 


Hindi pa pero hindi ibig sabihin hindi na.

Hindi sayang ang taon na ito,

Dahil lang sa mga pagkabigo—

Panalo pa rin namang maituturing ang hindi pagsuko.


Ipagmalaki mo pa rin ang iyong sarili,

Dahil kahit sobrang hirap na, pinili mo pa ring manatili,

Para sa mga pangarap at mga taong naniniwala sa'yo—

Inilalaban mo pa rin hanggang dulo.


Hindi sayang ang taon na ito,

Dahil marami ka ring tahimik na labang naipanalo.

Malaki o maliit man ito—

Ang mahalaga, nakaya mo.


Sa taon na ito,

Natagpuan ko ang malungkot, durog at pagod na bersyon ng aking sarili—

Pero malakas, lumago at natuto.


Comments

Popular posts from this blog

Ang Ating Pambansang Identidad

Malayo pa, pero Malayo na

Kontemporaryong Awitin sa Wikang Filipino