Posts

Pagtatapos ng taon

Image
  Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagtatapos ng taon. Isa-isa ko nang binibitawan ang mga hinanakit na hindi ko napakawalan. Unti-unti ko nang nililimas ang galit na namahay sa’king kalooban. Pati lungkot, pagsisisi, at panghihinayang—marahan ko nang iniiwan. Gusto kong salubungin ang susunod na yugto nang may malinis na puso, malawak, malaki ang espasyo para papasukin ang mga bagay lang na positibo. Ang pag-ibig, pag-asa, at kabutihan sa ibang tao. Gusto kong magsimulang muli nang walang pasan na bagahe mula sa taon na ito. Pagkakaibigan na hindi totoo, relasyong hindi sigurado, mga nakasanayan na lumalason sa moral ko’t pagkatao. Gusto kong umusad na. Gusto ko nang gamitin ang mga natutunan ko sa mga nakaraang buwan, lumago, at makilala ang pinahusay na bersyon ko. Gusto ko nang iwan ang taon na ito, dahil ramdam ko— habang papalapit ang bagong taon, papalapit na rin ako sa tuluyang pag-ahon.

Ulan

Image
  Taksil din ang ulan. Dati, tingin ko’y kakampi ko ito kapag may nakatakdang pagsusulit sa klase—sana’y umulan. Kung ubod ng init sa maghapon, at ramdam sa mababang bubong namin ang alinsangan—sana’y umulan. Para may dumating na libreng suplay at makatikim ng mami o miswa—sana’y umulan. Pero taksil ang ulan. Walang awa nitong nilubog ang mga libro naming magkakaklase. Nilunod ang mga pananim sa bukid at mga halaman sa bakanteng lote. Pahirapang bumiyahe, hindi makaabante—naging siklo na lamang ang bagyo, ang baha, ang pamumudmod ng pagkaing walang sustansya. Taksil ang nakaupo. Namudmod ng pangako, pero walang nagbago. Kaya’t hindi ko na kinahuhumalingan ang ulan. Ang bawat patak nito’y parusa sa masa. Sa mga umaasa sa kanilang paninda, sa mga nakikipagsapalaran hawak ang manibela, sa mga manggagawa, sa mga isang kahig isang tuka.  Kaya’t sana’y tumila na ang ulan, sapagkat hindi lahat, may kumportableng buhay at masisilungan. Marami sa’tin, nakikipagsapalaran lamang sa lansa...

Mas lumagong bersyon

Image
  Hindi pa pero hindi ibig sabihin hindi na. Hindi sayang ang taon na ito, Dahil lang sa mga pagkabigo— Panalo pa rin namang maituturing ang hindi pagsuko. Ipagmalaki mo pa rin ang iyong sarili, Dahil kahit sobrang hirap na, pinili mo pa ring manatili, Para sa mga pangarap at mga taong naniniwala sa'yo— Inilalaban mo pa rin hanggang dulo. Hindi sayang ang taon na ito, Dahil marami ka ring tahimik na labang naipanalo. Malaki o maliit man ito— Ang mahalaga, nakaya mo. Sa taon na ito, Natagpuan ko ang malungkot, durog at pagod na bersyon ng aking sarili— Pero malakas, lumago at natuto.

Panatag na isip at puso

Image
  Ngayon napagtanto ko na, Hindi pala nakalagay sa makukulay na pambalot ang pinakamagandang regalo, At hindi makikita sa laki ang halaga nito—  Kundi sa kung ano ito para sa'yo. Ang regalo ng buhay. Ang maramdaman ang iba’t ibang emosyon kahit minsan hindi maunawaan kung ano ang saysay. Ang regalo ng bawat umagang nabigyan ulit ng pagkakataong makita ang mundo— Ang pagkakaroon ng pamilyang buo. Madalas, ang totoong regalo pala ay walang makulay na pambalot. Sapagkat palagi itong nakabukas, ang bukas. Marami ang dapat ipagpasalamat— Kahit hindi natin alam kung ano pa ang matatangap. Pero, Ngayong Pasko, Sapat nang regalo— Ang panatag na isip at puso.

Paskong darating

Image
  Kung tatanungin ako kung paano ko ipagdiriwang ang Pasko. Ang maisasagot ko lang, sa paraang payak. Walang masyadong ganap— Walang ingay, walang hinahanap. Mauunawaan ko kahit walang makaalalang bumati mula sa mga kaibigan kong hindi ko na madalas makausap. Ayos lang kahit wala mang regalong matanggap. Hindi na bale kung sa hapag ay walang handang masarap— Hindi na ako mapanghangad sapagkat sa taon na ito, dama ko ang hirap. Ang mahalaga, nairaos ko’t nandito pa ako. Kinaya ko ang mga pagsubok sa taon na ito, para sa mga pangarap ko. Sapat na sa aking kasama ko sila— Ang mga tao na sa akin ay sumusuporta at naniniwala mula umpisa. Nais ko na lang na yakapin ang Pasko na puno ng pasasalamat. Wala nang panunumbat sa mga sugat. May pagpapatawad at pagtanggap— May pagpaparaya. Ipagdiriwang ko ang Pasko sa paraang payak. Tahimik lang, walang masyadong ganap— Walang hinahanap.

Kultura

Image
 

4 na paraan

Image