Posts

Showing posts from September, 2024

MONKEYPOX: HUWAG BALEWALAIN

ni Manilyn J. Ordoña        Ang monkeypox ay isang viral infection na nagdudulot ng mga sintomas na kahalintulad ng smallpox , bagaman mas mababa ang fatality rate nito. Natuklasan ito noong 1958, at mula noon, naging kilala na sa medisina. Ang sakit na ito ay nagmumula sa mga hayop, partikular na sa mga rodent at primates , at maaaring maisalin sa tao sa pamamagitan ng close contact . Ang pangunahing epekto ng monkeypox ay ang paglitaw ng mga pantal, lagnat, at iba pang sintomas na gaya ng pananakit ng ulo at katawan.       Hindi lamang ang kalusugan ng mga indibidwal ang nakasalalay rito, kundi pati na rin ang sistema ng kalusugan ng bawat bansa. Kapag hindi maagapan ang ganitong mga uri ng sakit, maaaring bumalik ang malalaking problema tulad ng pagkapuno ng mga ospital, pagdami ng mga kaso, at pagkakaroon ng mga panibagong variant . Mahalaga ang maagap at epektibong pagtugon ng mga pamahalaan upang hindi na ito lumala pa. Kailangan ang mabilis...